Pag-develop ng mga base militar sa perimeter ng bansa, isinulong ni DND Secretary Teodoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahalagang ma-develop ang mga base militar sa perimeter ng Pilipinas para sa pagtataguyod ng “credible defense posture” ng bansa.

Ito ang inihayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro matapos bumista sa apat na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) projects, sa dalawang EDCA site sa Camp Melchor Dela Cruz, Gamu, Isabela, at Fort Magsaysay, Nueva Ecija kahapon.

Binigyang diin ng kalihim, na ang pag-develop ng mga EDCA site sa mga base militar ng Pilipinas ay para sa pagpapalakas ng panlooob at panlabas na kapabilidad pandepensa ng bansa.

Hindi lang aniya ang mga base na may EDCA site ang kailangang i-develop, kung hindi maging ang mga base sa perimeter ng bansa.

Matatandaang unang binisita ni Sec. Teodoro ang EDCA site sa Lal-lo airport sa Cagayan, na ginamit bilang refueling at staging area sa paghahatid ng tulong sa mga biktima ng nagdaang bagyo.

Dito ay sinabi ng kalihim, na kailangang bilisan ang pagtatayo ng mga pasilidad para sa mas epektibong paghahatid ng tulong sa mga biktima ng natural na kalamidad. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us