Naglaan na ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG ng nasa ₱3-bilyong pisong pondo para sa mga miyembro ng Pag-IBIG na nais mag-loan ng Calamity Fund sa mga lalawigan at bayan na naapektuhan ng bagyong Egay at Falcon sa bansa.
Ayon kay Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta ang sakop ng Calamity Loan ay sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cordillera Administrative Region (CAR), Bulacan, Pampanga, Cavite at iba pang mga bayan na apektado ng naturang nagdaang mga bagyo.
Dagdag pa ni Acosta na makahiram ang mga miyembro ng kanilang 80 percent ng kanilang member saving para sa nais mag-avail ng Calamity Loan kung saan maaari itong bayaran sa loob ng tatlong taon at may grace period na tatlong buwan. | ulat ni AJ Ignacio