Pinangunahan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at ng binuong Technical Working Group ang pagbalangkas sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Executive Order No. 32, o ang kautusang may layong
mapabilis ang proseso ng pagbibigay ng permit sa konstruksyon ng Telecommunications at Internet Infrastructure sa bansa.
Ito ay matapos ang serye ng konsultasyon sa mga stakeholders ng ARTA at ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ,na siyang tagapamuno ng TWG sa mga stakeholders.
Target ng ARTA na mabilis matapos ang IRR upang maisumite Kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr at bago ang paglulunsad nito sa Setyembre 2023.
Nakapaloob sa IRR ang mga specific procedures na dapat sundin ng mga local government units at mga regulating government agencies.
Itinatakda nito ang mga and requirements na dapat kunin sa pag apply ng permit para sa pagtatayo,
pag operate, pagkumpuni o pagmintina ng telco at internet infrastructures.
Kabilang sa bumubuo sa TWG ay ang National Telecommunications Commission (NTC), Department of Public Works and Highways (DPWH), at ang Department of the Interior and Local Government (DILG). | ulat ni Rey Ferrer