PAGCOR, halos balik na sa pre-pandemic ang kita

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo ang PAGCOR na unti-unti nang nakakabawi ang kanilang kita matapos ang COVID-19 pandemic.

Sa budget briefing ng PAGCOR sa Committee on Appropriations, sinabi ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco, ngayong 2023 ay maaaring makamit nila ang 92% ng kanilang kita mula sa gross gaming revenue noong 2019 o pre-pandemic level.

“This year po we are expecting that 92% po ng ating 2019, pre-pandemic numbers ay, at the very least po yun, ay ma-attain na po ng PAGCOR. Ang 2019 ang highest level gross revenue that PAGCOR had ever achieved.”, sabi ni Tengco.

Ayon naman kay PAGCOR Vice President Sharon Quintanilla, mula January hanggang June 2023, may posted income na sila ng P36.21 bilyon– P22.62 bilyon dito ay inilaan para sa nation building.

Bahagi nito ang pamamahagi ng relief operations sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad na aabot sa 18.27 bilyon sa Aklan, Oriental Mindoro, NCR, Sorsogon, at Albay. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us