PAGCOR, nagbigay ng donasyon sa Office of the Vice President para sa mga proyekto at programa nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa lumagda ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ang Office of the Vice President (OVP) ngayong araw.

Ito ay para sa pagkakaloob ng may P120 milyong donasyon ng PAGCOR sa OVP para suportahan ang iba’t ibang socio-civic initiatives ng nasabing tanggapan.

Ayon sa PAGCOR, ang naturang pondo ay bahagi ng mga kinita nito mula sa kanilang pinatatakbong casino sa bansa.

Pinangunahan ito nila PAGCOR Chairperson at CEO Alejandro Tengco at OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez.

Sinaksihan naman mismo ni Vice President Sara Duterte ang paglagda ng kasunduan na isinagawa sa kaniyang tanggapan sa Mandaluyong City. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: PAGCOR

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us