Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR sa mga residente ng Bulacan at Pampanga.
Sila ang mga matitinding sinalanta ng mga nagdaang bagyong Egay at Falcon na siyang nagpatigting pa sa hanging habagat na nagdala naman ng pag-ulan at nagdulot ng malawakang pagbaha sa Gitnang Luzon.
Ayon sa PAGCOR, mahigit sa 26,000 mga food at non-food packs ang kanilang ipinamahagi sa mga residente ng Calumpit, San Rafael, Obando at Malolos sa lalawigan ng Bulacan
Gayundin sa bayan ng Lubao sa lalawigan ng Pampanga na nakaranas ng mahigit dalawang linggo nang pagbaha dahil sa walang patid na pag-ulan dulot ng habagat.
Katuwang ng PAGCOR sa pamamahagi ng tulong ang mga lokal na pamahalaan ng mga nabanggit na lugar gayundin ang lokal na pulisya upang maihatid ang tulong sa mga nasalanta ng kalamidad. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: PAGCOR