Pagdepende ng bansa sa importasyon, dapat nang mahinto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela ang mga mambabatas sa Department of Agriculture (DA) na sana ay mahinto na ang pagiging dependent o pag asa ng Pilipinas sa importasyon ng bigas.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Mercedita Sombilla, talagang tumataas ang presyo ng bigas dahil sa mahal na farm inputs…ngunit inaasahang mapapababa ito pagdating ng imported na mga bigas.

Sa rekomendasyon ng DA, kailangan mag-angkat ng tig-300,000 metric tons ng bigas ngayong Agosto at Setyembre.

Maliban pa ito sa 500,000 metric tons ng bigas na aangkatin para tugunan ang epekto ng El Niño sa huling bahagi ng 2023.

Pero punto ni Bukidnon Representative Jose Maria Zubiri, hindi naman dati nag-aangkat ng bigas ang Pilipinas ngunit ngayon ay nakaasa na tayo sa pag-aangkat nito.

Dapat aniya na maghanap ng solusyon ang DA at bumalik sa dati, na sarili nati ang produksyon.

Para naman kay ABONO Party-list Rep. Robert Raymund Estrella, nakakahiya na panay angkat ang bansa kaya kailangan na aniyang repasuhin at ayusin ang patakaran pagdating sa usapin ng bigas.

Pero paliwanag ni Sombilla, ‘short term’ solution lamang ang importation at nananatili pa rin ang pagtugon ng DA sa pagpapalakas ng local rice production, at pagsuporta sa ating mga magsasaka.

Sabi naman ni Oriental Mindoro Rep. Arnan Panaligan, dapat sa hinaharap ay hindi na rin ikonsidera ang importation kahit pa panandaliang solusyon lang. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us