Tiniyak ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na gagalangin ng mga pulis ang karapatang pantao sa pagsasagawa ng mga checkpoint kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.
Sa Command Conference sa Camp Crame, kasama ang Commission on Elections at iba pang deputized agency kamakalawa, sinabi ni Gen. Acorda na magpapatupad ang PNP ng enhanced visibility sa buong bansa mula Agosto 28, na simula ng election period.
Kasama dito ang paglalatag ng mga checkpoint kasabay ng pagpapatupad ng gun ban na epektibo hanggang Nobyembre 28.
Una na ring sinabi ni PNP Public Information office Chief Police Brig. General Red Maranan na ipatutupad ng PNP ang “plain view doctrine” o “visual search” lang sa mga checkpoint maliban kung may “probable cause” para magsagawa ng “thorough search”. | ulat ni Leo Sarne
📷: PNP-PIO