Pagguho ng concrete wall sa Quezon City Hall, pinaiimbestigahan na ng pamahalaang lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ng Quezon City government ang City Engineering Department na agad imbestigahan ang nangyaring pagguho ng bahagi ng pader sa construction site sa Civic Center B Building ng Quezon City Hall kagabi.

Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nag-collapse pasado alas-10 kagabi ang bahagi ng pader ng gusali kung saan ipupuwesto sana ng pribadong contractor ang isang scenic elevator.

Isa ang naitalang nasawi matapos maipit habang apat pa ang sugatan.

Ayon sa QC LGU, kabilang sa aalamin nito ang sistemang pinaiiral ng kontratista sa construction site, at kung binigyang-halaga ang aspeto ng occupational safety.

Kasunod nito, tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang tulong sa mga nadamay na manggagawa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us