Dinagsa ng mga maghahain ng kanilang kandidatura para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections ang tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Mandaluyong City ngayong araw.
Ilan sa mga tagasuporta ng mga naghain ng kanilang kandidatura, color coded pa nang magpunta sa COMELEC office.
Dumaan sa 3 hakbang ang mga naghain ng kanilang Certificate of Candidacy; ang una, ay ang verification ng kanilang voter’s registration, ikalawa ay ang stamping of receipt at log sheet na kanilang sinagutan.
At ang ikatlo ay ang encoding gayundin ang pagkuha ng biometrics.
Ayon sa COMELEC- Mandaluyong, binubuo ang Mandaluyong City ng nasa 27 mga Barangay.
Sinabi naman ni Mandaluyong Election Officer Juliet Villar na handa sila sa pagtanggap ng mga kandidato sa eleksyon at umaasa naman silang magiging maayos ang filing ng COCs base na rin sa mga nakalipas nilang karanasan. | ulat ni Jaymark Dagala