Paghahanap sa apat na nawawalang miyembro ng Coast Guard sa Cagayan, hindi titigilan ng PCG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi tinatantanan ng Philippine Coast Guard ang paghahanap sa apat nilang tauhan na nawala sa kasagsagan ng pinaigting na Habagat dulot ng bagyong Egay.

Mula sa kanilang Search and Rescue sa mga katubigan ng Cagayan, sinuyod na rin ng kanilang North Eastern Luzon District ang mga dalampasigan.

Kahapon, inikot na rin ng mga tauhan ng Coast Guard ang kanluran at hilagang baybayin ng Dalupiri Island na sakop ng Calayan Group of Islands.

Doon nagpalipas ng magdamag ang Search and Rescue teams bago muling magpatuloy kaninang umaga ang paghahanap sa iba pang lugar.

Tumulong na rin sa paghahanap ang Coast Guard Station sa Batanes sa pamamagitan ng pagpapakalat ng impormasyon sa Pulisya at mga Barangay hinggil sa mga nawawalang rescuer. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us