Pagiging agresibo ng China sa WPS, nabawasan matapos isiwalat sa mundo ang kanilang mga aktibidad – AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Obserbasyon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Colonel Medel Aguilar na nabawasan ang pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea (WPS), matapos na isiwalat sa mundo ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner ang kanilang ginawang pambobomba ng water cannon noong Augosto 5, sa mga resupply vessel na patungo sa Ayungin Shoal sa WPS.

Ayon kay Col. Aguilar, kapansin-pansin na hindi na gumamit ng water cannon ang Chinese Coast Guard nang tangkain uli nilang harangin ang huling Rotation and Resupply (RoRe) mission kamakalawa.

Matagumpay naman na nakarating sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ang naturang RoRe mission sa kabila parin ng pangha-harass ng Chinese Coast guard.

Matatandaang mismong si General Brawner ang nagsiwalat sa kanyang mga counterpart sa rehiyon ng ginawang paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard laban sa mga barko ng Pilipinas, sa 2023 Indo-Pacific Chief of Defense Conference sa Fiji noong nakaraang linggo.

Bagay na ikinagulat ng mga senior military leader ng 23 bansa sa rehiyon na lumahok sa pagpupulong. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us