Paglaki ng travel expenses ng Office of the President noong 2022 kumpara sa 2021, sumasalamin sa effort ng Marcos Admin para sa pagpapalakas pa ng ekonomiya — Palasyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ginagamit lamang ng Marcos Administration ang mga pagkakataon at tiyansang available para sa Pilipinas, upang makapag-generate ng mas maraming foreign investment sa Pilipinas na daan naman upang mapaigting ang pandemic recovery initiatives ng pamahalaan.

Pahayag ito ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, kasunod ng inilabas na ulat ng Commission on Audit (COA), na ang travel expenses ng Office of the President para sa taong 2022 ay tumaas sa P403 million mula sa P36.8 million noong 2021.

Ayon sa kalihim, batid naman ng lahat na ang taong 2021 ay kasagsagan pa ng pandemiya at limitado lamang ang mobility ng lahat.

Taong 2022 aniya, nang palakasin ng pamahalaan ang pagbubukas ng ekonomiya at pag-aalis ng mga umiiral na restriksyon.

Taong 2022 rin aniya nang simulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang pag-ikot sa bansa upang masiguro na ang mga programa, proyekto, at assistance ng pamahalaan ay makakaabot sa mga benepisyaryo nito.

“Moreover, directly connecting with the local governments, local communities and sectoral groups is an integral part of the President’s decision-making process.” —Secretary Garafil

Pagbibigay diin ng kalihim, ang Office of the President ay nakatanggap ng maraming imbitasyon para sa international events, conferences, high-level meetings, at iba pang officials working visits.

Tinanggap aniya ng Pangulo ang ilan sa mga ito, lalo’t magbebenepisyo ang bansa at mga Pilipino sa partisipasyon ni Pangulong Marcos sa mga international forum na ito.

Kung matatandaan, sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr., binanggit nito na mula sa mga nagdaang foreign trips nito sa 10 bansa nasa P3.9 trillion na halaga ng investment pledges ang naiuwi ng Philippine delegation. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us