Pagpapadali ng procurement law na makakatulong sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa, tinalakay sa sectoral meeting sa Malacañang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilatag kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga isinusulong na amyenda sa Republic Act 9184 o ang Government Procurement Reform Act.

“The GPRA was envisioned to address the lack of transparency and competition, eliminate collusion and political interference and lessen delays in the procurement process. GPRA was one of the biggest anti-corruption laws in the country which was in fact recognized by no less than the World Bank as a world-class legislation.” —Secretary Pangandaman.

Ang hakbang na ito, ay sa gitna ng ginagawang pag-tugon ng pamahalaan sa underspending ng ilang tanggapan ng gobyerno sa kanilang 2023 budget.

“There has already been rapid transformation in technology over the past two decades – and the pandemic propelled the urgency for digital transactions in the country. That’s why our President is correct – that we need to make government procurement more attuned to our changing times,” —Secretary Pangandaman.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na kabilang sa mga isinusulong na ito ang innovative procurement methods, o ang pagdaragdag sa mga paraan ng pag-bili ng supply ng pamahalaan.

Ikalawa ang pagsisigurong episyente ng procurement process.

Kabilang rin ang procurement planning at budgeting, na ayon sa kalihim ay ang pinaka-importanteng hakbang dahil kung hindi aniya tama ang pagpa-plano sa procurement ng gobyerno, magri-resulta ito ng fail bidding.

Dahil dito, maaantala naman ang pagbibigay ng serbisyo sa mga Pilipino.

Ayon sa kalihim, suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga isinusulong na pag-amyendang ito.

“Isusulat lang po namin nang maayos ito in a form of amendment doon sa mga provisions, sa mga existing provisions, and then we will sit down with the House and Senate counterparts po.” —Secretary Pangandaman.

Ayon kay Secretary Pangandaman, sa Php5.268 trillion na 2023 budget ng bansa, 25% dito ang para sa procurement, o katumbas ito ng Php1.3 trillion.

“If we will look at the data for the first (semester) of this year, mayroon po tayong negative na 170.5 billion pesos po. Meaning, the national government agencies po was not able to disburse 170 billion pesos po of available funds kaya po bumaba po iyong ating—iyong contribution po ng government spending to our GDP was reduced,” —Secretary Pangandaman.

Pagbibigay diin pa ng kalihim, malaki ang naia-ambag ng governmemt spending sa pagpapalago ng GDP ng bansa.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us