Pagpapakawala ng tubig sa Binga Dam, itinigil na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na nagpapakawala ng tubig sa ngayon ang Binga dam sa Itogon, Benguet.

Sa datos ng PAGASA Hydrometereology, as of 6 AM, ay nasa 574.61 meters ang lebel ng tubig sa Binga dam na mas mababa na sa 575 meters na high water level nito.

Sa ngayon, tanging ang Ambuklao dam nalang ang nagpapakawala ng tubig na may 0.30 meter gate opening.

Patuloy namang nadaragdagan ang lebel ng tubig sa Angat dam na pinagmumulan ng 90% ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Umakyat pa sa 199.92 meters ang lebel ng tubig sa naturang dam matapos madagdagan ng 10 sentimetro.

Una nang sinabi ni PAGASA Senior Hydrologist Oyie Pagulayan na nagpapatuloy pa rin ang mga mahihinang pag-ulan sa watershed na nakakadagdag sa lebel ng tubig ng dam.

Samantala, nabawasan naman ang lebel ng tubig sa Ipo dam, San Roque, Magat at Caliraya dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us