Pagpapatatag sa relasyon ng Pilipinas sa Iran, asahan na — Palasyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang si Iran Ambassador to the Philippines H.E. Yousef Esmaeil Zadeh, sa presentasyon nito ng credentials sa Pangulo, ngayong araw (August 17).

Sa maikling mensahe, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na umaasa itong magiging matagumpay ang tour of duty ng ambassador sa Pilipinas.

Partikular ang pagiging tulay nito sa pagpapalalim pa ng matagal nang ugnayan ng Pilipinas at Iran.

Sa panig naman ng ambassador, siniguro nito kay Pangulong Marcos na gagawin ang lahat ng makakaya, upang mapatatag ang pagkakaibigan ng Iran at Pilipinas, at upang maisulong ang kapwa interes ng dalawang bansa.

Ang Pilipinas at Iran ay magdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang diplomatic relations sa susunod na taon. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us