Pagproseso ng AICS sa Central at NCR offices, ipagpapatuloy sa Agosto 29 -DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipagpapatuloy na sa Martes, Agosto 29 ang pagproseso ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office at sa National Capital Region.

Sinuspinde ng DSWD ang pagtanggap ng mga request noong Agosto 25 hanggang 28 para sa pagproseso gayundin ang payout para sa AICS.

Dahil ito sa deklarasyon ng suspensyon sa trabaho sa Metro Manila at lalawigan ng Bulacan para bigyang-daan ang opening ceremonies ng 2023 FIBA ​​Basketball World Cup at ang pagdiriwang ng National Heroes Day.

Ang AICS ay isang programa na nagbibigay ng medical, burial, education, transportation at subsistence assistance sa mga mamamayan na nasa krisis na sitwasyon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us