Inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) ang bagong hakbang para sa mga nais magproseso ng lisensya online.
Sa pamamagitan ng proyektong Online Processing System with Digital Payment System (OPS-DPS), mabibigyan ng pagkakataon ang mga users nito na makapagpasa ng requirements, makita ang resulta, at iba pang impormasyon sa mga nais kumuha ng lisensya.
Bukod dito, ilan pa sa maaaring maproseso ay ang permit, certificate, authorization, at clearance para sa mga telecommunication at internet business.
Ito ay tugon sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na bilisan ang mga hakbang para gawing digitalize ang mga proseso sa gobyerno.
Inaasahan na magaganap sa Oktubre ngayong taon ang launching ng proyektong ito. | ulat ni Mary Rose Rocero