Binigyang diin ni Senate Committee on National Defense Chairman Senador Jinggoy Estrada na malaking tulong pinansyal ang bagong pirmang batas na nagpapataas ng Veterans’ Disability Pension (RA 11958) para sa ating mga beterano at sa kanilang dependents.
Ayon kay Estrada, ang batas na ito ay kumakatawan sa pagtupad sa pangako at paalala sa commitment natin sa ating mga beterano.
Ito lalo na aniya’t ang bawat piso na ipinangtutustos nila sa mga pambili ng gamot at pangangailangang medikal at nakapagpapahaba ng kanilang panahon na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Giniit ng senador na sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga beterano ay kinikilala natin ang kanilang legasiya, pinagtitibay ang kanilang dignidad at nakapagbibigay ng kalinga sa kanilang golden years.
Sinabi pa ni Estrada na ang pagpirmang ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa naturang batas ay nagpapamalas ng malakas na mensaheng ang sakripisyo ng ating mga beterano ay kinikilala ng gobyerno at primary concern pa rin ang kanilang kapakanan. | ulat ni Nimfa Asuncion