Pagsisiguro ng kapakanan ng OFWs, prayoridad sa 2024 national budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa Php3 billion ang inilaan na budget ng pamahalaan, mula sa Php5.768 trillion na proposed 2024 proposed national budget, upang masiguro ang kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kongreso, sinabi nito na ang pondong ito ay para sa pagalalay sa employment at welfare services ng OFW.

Ang overseas Employment Regulatory Program naman, paglalaan ng Php142 million.

Ang Department of Foreign Affairs (DFA), bibigyan ng Php24.1 billion upang asistehan ang mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa.

Mula sa halagang ito, Php8.1 billion ang magku-cover sa probisyon ng consular services, kabilang na ang issuance ng passport, visa, at iba pang dokumento.

Php1 billion para sa Assistance to Nationals Fund, at Php200 million para sa Legal Assistance.

Ang mga programa para sa mga OFWs na uuwi sa bansa, paglalaaan ng Php9.7 billion.

Habang ang Department of Migrant Workers (DMW) ay makatatanggap ng Php15.5 billion.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us