Pagsusulong sa human rights-based approach upang protektahan ang mga IDP, pinagtibay ng Kamara sa ikatlong pagbasa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pasado na sa Kamara ang panukala upang masigurong maprotektahan ang karapatan ng mga internally displaced person ay maiwasan ang tinatawag na arbitrary displacement.

Salig sa House Bill 8269, pagtitibayin ang pagtalima sa nakasaad sa Konstitusyon, pamantayan na itinakda ng International Humanitarian Law, mga batas na nagbibigay ng proteksyon sa karapatang pantao, mga tratado at kasunduan na pinasok ng Pilipinas kasama na ang United Nations’ Guiding Principles on Internal Displacement (UNGPID).

Titiyakin nito ang pagkakaroon ng sistema para sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga IDP at pagpapatupad ng human rights-based approach para sa pagprotekta ng kanilang karapatan.

Ang Commission on Human Rights (CHR) ang naatasan para ito ay bantayan.

Kinokonsidera bilang IDP ang mga indibidwal na napilitang lisanin ang kanilang mga tahanan dahil sa giyera, karahasan, clan war, paglabag sa karapatang pantao, ipatutupad na proyekto, at panganib na dulot ng kalikasan o gawa ng tao.

Maituturing naman bilang arbitrary internal displacement ang pagpapalikas sa mga indibidwal ng hindi alinsunod sa batas, at polisiya o ginawa gamit ang pang-aabuso sa kapangyarihan, mapang-api, o pagbalewala sa karapatan ng mga residente, permanente man o pansamantalang nakatira sa lugar. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us