Inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ang panukala na gawing requirement ang tree planting o pagtatanim ng puno sa pagkuha ng building permit para sa residential, commercial, industrial, at public building development projects.
Layon ng House Bill 8569 na maglatag ng isang tree planting plan para labanan ang epekto ng climate change at pagkasira ng kalikasan.
Sa ilalim nito sinomang indibidwal o firm, corporation, department, office, bureau, agency o instrumentality ng gobyerno na planong magtayo, baguhin, ayusin o i-convert ang isang istruktura ay kailangan maglaan ng isang lugar sa naturang property na pagtataniman ng puno at mga halaman.
Bahagi ng probisyon ang pag-tukoy sa kung anong uri ng puno ang itatanim depende sa lokasyon, klima, at topograpiya.
Para sa mga residential area, inirerekomenda na makapagtanim ng ornamental plant at puno na madaling tumubo sa lugar at mga namumungang puno.| ulat ni Kathleen Jean Forbes