Pagtatatag ng Agriculture Information System, ipinapanukala ni Sen. Sherwin Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagbuo ng Agriculture Information System (AIS) upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa pamilihan.

Ayon kay Gatchalian, sa pamamagitan ng AIS ay maiiwasan ang artipisyal na kakulangan ng mga agricultural product na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga produkto.

Sinabi ng senador, na makakatulong ito sa mga magsasaka na mapataas ang kanilang productivity.

Kaya naman umaasa ang senador na susuportahan ng kanyang mga kasamahan ang kanyang Senate Bill 1374, na naglalayong magtatag ng AIS na magbibigay-daan sa mga magsasaka na mahanap ang kanilang mercado, at maibenta ang kanilang mga produkto kung saan malaki ang demand.

Sa ilalim ng panukala, titiyakin na ang mga suplay ng agricultural product ay naihahatid sa mga lugar kung saan may demand, nang sa gayon ay maiwasan ang mga artificial shortage na siyang nagtutulak sa presyo pataas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us