Pagtatatag ng rice production zones, ipinapanukala ni Senate President Migz Zubiri 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminumungkahi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na magtatag ang pamahalaan ng mga rice production zones (RPZs), para matugunan ang demand sa bigas at mabawasan na ang pagdepende ng bansa sa imported na bigas.

Ayon kay Zubiri, nilatag niya ang suhestiyong ito mismo kay Panguong Ferdinand R. Marcos Jr. sa naging pagsasalo-salo nila nitong nakaraang linggo.

Naungkat aniya ang paksa nang mapag-usapan ang rice exportation ban ng India.

Sa suhestiyon ni Zubiri, ang mga probinsya ay maaaring igrupo sa isang rice production zone at ang presidente, bilang tumatayong Department of Agriculture secretary, ay maaaring magtalaga ng undersecretary o assistant secretary na hahawak sa isang RPZ; at magtitiyak sa productivity ng mga rice farmer sa naturang lugar.

Kabilang sa mga hakbang na maaaring gawin ay ang pagbuhos ng suporta para sa mga binhi, fertilizer, pest control at mga modernong kagamitan.

Ipinaliwanag rin ni Zubiri, na maimamapa rin kung saang mga lugar sa bansa ang may lupa na mainam pagtaniman at madaling lagyan ng irigasyon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us