Isang panukalang batas ang inihain ni House Committee on Constitutional Amendments Chair at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez para magtatag ng isang “West Philippine Sea Development Authority.”
Oras na maging ganap na batas ang House Bill 8857 mapapasailalim ang West PH Sea Authority sa Office of the President.
Ito ang tanggapan na siyang tututok sa “development, management, conservation, protection at utilization” ng lahat ng resources sa West PH Sea Exclusive Economic Zone.
Sa paraang ito ay mapapaunlad at magagamit ng Pilipinas ang “revenue-generating potential” ng naturang teritoryo gaya ng mga yamang dagat, marine energy exploration development, at coastal o marine tourism.
Isa naman sa magiging pinakamahalagang mandato ng West PH Sea Authority ay ang pag-aaral sa “claims” ng Pilipinas sa naturang teritoryo at paglalatag ng mga hakbang kung papaano ito madedepensahan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes