Pagtatayo ng refueling facility sa Lal-lo Airport, isinasagawa na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinasagawa na ang pagtatayo ng overhead refueling facility sa Lal-lo Airport sa Cagayan para sa mas episyenteng Humanitarian and Disaster Relief operations (HADR).

Ito ang iniulat ni Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lt. General Fernyl Buca kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa kanilang pag-iinspeksyon sa ongoing HADR operations ng AFP at U.S. Marine Corps Lal-lo airport kahapon.

Dahil sa strategic location ng Lal-lo airport, ginagamit itong refueling station at staging area ng mga eroplano ng US military at AFP na kasalukuyang nagsasagawa ng HADR operations sa Northern Luzon.

Napansin ni Sec. Teodoro na isinasagawa ang pag-refuel ng mga eroplano sa pamamagitan lang ng mga dram.

Dahil dito, sinabi ng kalihim na kailangang bilisan ang pagtatayo ng mga pasilidad sa naturang paliparan, na isa sa mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) Sites. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us