Binigyang diin ni Appropriations Committee Chair Elizaldy Co, na bagamat mahalaga ang papel ng PAGCOR, na siyang isa sa pinagkukunan ng pondo para sa social services gaya ng Universal Health Care ay dapat ibalanse ito sa operasyon ng gambling at gaming sector.
Sa pagharap ng PAGCOR sa House Appropriations Committee ngayong araw ay kinilala ni Co ang malaking ambag ng ahensya sa ekonomiya ng bansa.
Dahil kasi aniya sa gaming sector, maliban sa pampondo ng programa ng pamahalaan ay nagbubukas din ito ng trabaho.
Ngunit kailangan aniya na magpatupad ng mahigpit na regulasyon upang hindi maabuso at pagmulan ng krimen gaya ng money laundering.
“It’s important to acknowledge that effective regulation is a cornerstone of maximizing the positive impact of gambling and gaming on government revenues. Governments must implement comprehensive regulatory frameworks that ensure fair play, responsible gambling, and the prevention of criminal activities like money laundering. This regulatory framework will not only safeguards public interests but also fosters a positive image for the industry, attracting responsible gamblers and investors.” diin ni Co.
Katunayan dapat ay mapaglaanan din aniya ng pondo mula sa kita ng PAGCOR at PCSO ang pagtugon sa problema na dulot ng pagsusugal, programa para sa pagsusulong ng responsableng pag-uugali sa pagsusugal at suporta para sa mga indibidwal na nalululong sa pagsusugal.
“We must balance the financial benefits of the gambling and gaming industry by addressing potential negative social consequences. The government should also allocate a portion of the revenue generated towards programs that address problems arising from gambling, promote responsible behavior, and offer support to individuals who may be adversely affected by gambling-related issues. In conclusion, the contribution of the operations of PAGCOR to government revenues is undeniable. We must monitor, observe and adopt our legislative perspective to ensure that the benefits received by the government are maximized while mitigating potential drawbacks.” sabi pa ni Co. | ulat ni Kathleen Jean Forbes