Pamamahagi ng Emergency Cash Transfer sa Mountain Province, halos patapos na — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Halos 100 percent nang tapos ang pamamahagi ng emergency cash transfer (ECT) ng Department of Social Welfare and Development sa mga benepisyaryo sa Mountain Province.

Mula sa kabuuang 389 indibidwal na naapektuhan ng bagyong Egay at Falcon, 383 na ang nabigyan ng tulong pinansyal o 98.71 percent ng target beneficiaries ng ECT.

Sa ulat ng DSWD Field Office Cordillera Administrative Region (CAR), kabilang sa mga benepisyaryo na nakatanggap na ng tulong pinansyal ay mula sa munisipalidad ng Batlig, Bauko, Besao, Sabangan, at Tadian.

Karagdagan pa dito, ang mga benepisyaryo sa Bontoc, Natonin, Sadanga at Sagada na nabigyan na rin ng ayuda.

Ang ECT ay isa sa mga early recovery at rehabilitation program ng DSWD, upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng mga nakaraang sakuna na makabalik sa normal. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us