Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization ng mga makinarya sa mga farmer cooperative sa lambak Cagayan.
Kamakailan lamang, dalawang recirculating dryers ang tinanggap ng Ramon Cordon Farmers Multi-purpose Cooperative, sa Planas, Ramon, Isabela.
Ang nabanggit na makinarya ay pinondohan sa ilalim ng mechanization component ng Rice Competitiveness Enhancement Fund ng kagawaran.
Nagkakahalaga ito ng P6.4 million na siyang tugon ng DA sa matagal nang hiling na makinarya ng nabanggit na mga asosasyon para maiwasan ang pagkasayang ng kanilang mga produkto sa panahon ng anihan dahil sa limitadong drying facilities sa naturang bayan. | ulat ni Dina Villacampa | RP1 Tuguegarao