Pamamahagi ng school kits ng Valenzuela LGU, tuloy-tuloy na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaapura na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang pamamahagi ng ‘Balik Eskwela 2023 School Kits’ sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan bago ang pasukan ng klase sa Agosto 29.

Simula bukas, Agosto 17 hanggang 19, sabay-sabay nang ipapamahagi ang mga school kit sa mga mag-aaral mula kinder hanggang grade 6.

Sa loob ng tatlong araw, mamamahagi ang LGU ng school kits sa 42 paaralan sa lungsod.

Kabuuang 79,451 na mag-aaral mula sa kindergarten, elementary at special education students ang target beneficiaries ng school kits na bigay ng LGU.

Sinimulan ang distribusyon ng gamit pang-eskwela sa mga mag-aaral noong Lunes, Agosto 7. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us