Pamasahe sa eroplano, tataas sa susunod na buwan dahil sa pagmahal ng fuel surcharge

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan na ang pagtaas ng pamasahe sa mga eroplano sa susunod na buwan.

Ito ang inanunsiyo ng Civil Aeronautics Board (CAB) makaraang itaas sa Level 6 ang ipinapataw nilang fuel surcharge.

Ibig sabihin, maglalaro sa P185 hanggang P665 ang inaasahang dagdag singil sa pamasahe para sa domestic flights.

Habang asahan din ang P610 hanggang P4,538 na taas-singil sa pamasahe para sa mga international flight.

Ayon sa CAB, ang panibagong taas-singil na ito ay magbibigay daan para makabawi ang mga ariline company sa pagmahal ng presyo ng jet fuel na siyang ginagamit ng mga eroplano. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us