Pangamba ng ilan na magiging “super monopoly” ang merger ng Landbank at DBP, pinawi ng DOF chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinawi ni Finance Sec. Benjamin Diokno ang pangamba ng ilan kaugnay ng nalalapit na merger ng Landbank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP).

Sa isang panayam sa Kalihim, itinanggi nito na ang merger ay upang i-monopolize ang mga bangko sa bansa.

Aniya, ito ay dadaan sa proseso at aaprubahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Layon ng pagsasanib ng DBP af LBP na tumaas pa ang asset ng bangko at pataasin ang loanable funds nito.

Ang panukalang merger ay inaasahan sa unang semestre ng 2024 habang kalagitnaan naman ng taon ay inaasahan itong makukumpleto.

Ayon sa Kalihim, ang draft executive order ay naisumite na sa Malacañang.

Una nang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang proposed merger ng two state-run lenders kasunod ng mga development sa global banking. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us