Panukala na bubuo sa bagong National Building Code, pasado na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan sa plenaryo ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8500 na bubuo sa bagong National Building Code.

Nilalayon ng panukala na gawing ligtas ang mga gusali at imprastrakturang itatayo at maging matatag ito mula sa kalamidad gaya ng lindol, bagyo, o sunog.

“Many developments in building standards and technologies, climate change, and disaster risk reduction and management have since taken place. It’s time that we update our law under the second Marcos administration,” sabi ni Speaker Martin Romualdez sa pagkakapasa ng panukala.

Papalitan nito ang Republic Act 6541 o “An Act to ordain and institute a National Building Code of the Philippines,” at Presidential Decree 1096 o ang “National Building Code of the Philippines.”

Ayon kay Bulacan Representative Salvador Pleyto Sr., isa sa may-akda ng panukala at dating naging undersecretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH), napapanahon nang palitan ang naturang batas na maituturing nang obsolete.

Ang kalihim ng DPWH ang mangunguna sa implementasyon ng panukala at siyang magtatalaga ng National Building Official (NBO).

Oras na maisabatas ang mga hindi tatalima sa naturang bagong building code ay maaaring maharap sa parusang hanggang anim na taong pagkakakulong. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us