Panukala para itigil ang pagpapataw ng VAT sa kuryente, inihain ni Senador Chiz Escudero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ni Senador Chiz Escudero ang Senate bill 2301 o ang panukalang naglalayong ipatigil ang pagpapataw mg value added tax (VAT) sa konsumo ng kuryente.

Paliwanag ni Escudero, kung aalisin ang VAT sa kuryente ay mapapababa ang gastusin sa operasyon ng  mga industriya at negosyo.

Makakatulong rin aniya ito na mapigilan ang pagtaas ng inflation rate o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa pamamagitan rin aniya nito, ay madadagdagan ang pang gastos ng mga sambahayan, tataas ang economic activity at tataas ang konsumo sa mga produkto na makakatulong sa kita ng gobyerno.

Pinaliwanag ng senador, na kumpara sa ibang bansa ay mas mataas ang singil sa kuryente dito sa Pilipinas, na nakakapagpataas rin ng operatong cost ng mga negosyo at industriya, at nagiging sanhi naman ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kaya naman kung tatanggalin aniya ang VAT sa kuryente, makakatipid ng P19 pesos kada araw ang residential consumers na katumbas ito ng P6,936 sa loob ng isang taon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us