Umapela si Davao City Rep. Paolo Duterte na sana ay agad nang mapagtibay ang panukalang batas na nagsusulong ng patas na benepisyo para sa mga nagretirong opisyal ng hudikatura.
Punto ng mambabatas, mayroong mga opisyal ng hudikatura na ang judicial rank ay kapantay ng mga justice at judge pero hindi nakakakuha ng karampatang retirement benefit.
Isa na rito ang court administrator.
Aniya, kahit pa magkapareho ang suweldo ng court administrator at justice ng Korte habang nasa aktibong serbisyo, ang mga court administrator ay wala umanong retirement benefit na katulad ng nakukuha ng nagretirong justice.
“Thus, judicial officials with the judicial rank, salary and privileges as those of justices and judges are left with no retirement benefits despite their long years of dedicated service. The enactment of a new law through the passage of the reconciled version of House Bill 8392 and the Senate’s counterpart measure is the solution to this gross violation of the equal protection clause enshrined in our Constitution,” sabi ni Duterte.
Naaprubahan na ng Kamara ang bersyon ng panukala habang nakabinbin pa sa komite ang bersyon ng Senado. | ulat ni Kathleen jean Forbes