Panukalang 2024 budget, susuporta sa pamahalaan sa pagtugon ng inflaton at paglago ng ekonomiya — NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng National Economic and Development Authority na ang panukalang ₱5.768 trillion na pambansang pondo para sa taong 2024 ay susuportahan ang pagsisikap ng pamahalaan na tugunan ang inflation, maprotektahan ang purchasing power ng pamilyang Pilipino, at tugunan ang mga hadlang sa investments at inclusive economic growth.

Sa naging budget briefing kasama ang Senate Committee on Finance, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na determinado ang pamahalaan na tugunan ang problema sa inflation na nagresulta sa pagbaba ng food at non-food inflation.

Dagdag pa ng Kalihim, bumagal ang overall inflation ng bansa mula nitong Pebrero na may pag-moderate sa parehong food at non-food inflation.

Sinabi rin ni Balisacan na may nananatiling mga panganib na maaaring magpalala ng inflation at bawasan ang purchasing power ng mga Pilipino, sa kabila ng 5.3 percent na economic growth ng Pilipinas sa first half ng 2023. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us