Panukalang ipangalan kay dating Sen. Miriam Defensor-Santiago ang dalawang kalsada sa Quezon City, aprubado na sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa botong 22 na senador ang pabor, walang tutol at walang abstention, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang palitan ang pangalan ng Agham Road at BIR road sa Quezon City bilang Sen. Miriam Defensor-Santiago Avenue (House Bill 7413).

Present sa Senado para saksihan ang pag-apruba sa third and final reading ng panukala ang asawa ni dating Senadora Miriam Santiago na si Atty. Narciso “Jun” Santiago.

Bilang sponsor ng panukalang ito sa Senado, ipinahayag ni Senate Committee on Public Works Chairman Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na ang mabilis na pagkakapasa ng panukala sa Mataas na Kapulungan ay sumasalamin sa nagkakaisang pagtingala at paghanga ng mga mambabatas sa makabuluhang kontribusyon ni dating Senadora Santiago sa bansa.

Tinukoy rin ni Revilla ang legasiyang iniwan ng dating senadora ay magsisilbing gabay sa uri ng pagseserbisyo publiko na nararapat para sa mga Pilipino.

Ginawa namang co-author ng naturang panukalang ang lahat ng mga senador. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us