Panukalang magpapalakas sa BCDA, pasado sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay na ng Mababang Kapulungan sa huling pagbasa ang panukala na magpapalakas sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA), upang mas epektibong mapangasiwaan ang mga dating base at pasilidad ng militar gaya ng nasa Subic, Clark, Baguio City, at Metro Manila.

Aamyendahan ng House Bill 8505 ang ilang probisyon ng Republic Act 7227, ang batas na lumikha sa BCDA na noon pang 1992 naisabatas.

Pangunahing makikinabang dito ay ang Sandatahang Lakas, lalo at malaking bahagi ng kinikita mula sa mga dating base ng sundalo sa Metro Manila ay ginamit sa AFP Modernization program.

Sa ilalim ng panukala, itataas ang kasalukuyang P100 billion na kapital ng BCDA sa P400 billion.

Dinagdagan din ng 50 taon ang termino ng prangkisa ng BCDA, na maaaring muling palawigin sa hinaharap.

Binibigyan din ng kapangyarihan ang BCDA, na gawing residential o residential mixed-use ang 5% ng bahagi ng lupang pinangangasiwaan nito upang makabili ng lupa ang mga nagtatrabaho sa economic zone.

Ang BCDA ay inaatasan na magsumite ng ulat sa Office of the President kada tatlong taon kaugnay ng mga lupang ginamit na residential area. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us