Naniniwala si Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan na ang pagkakaroon ng Department of Corrections ay upang i-rightsize ang sistema ng jail management sa bansa at tiyakin na maayos na nagagamit ang resources ng gobyerno sa pagpapatakbo ng mga penal at reformation facilities.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod ng “misconception” na lilikha lamang umano ng paglobo sa burukraysa ang kanyang panukalang batas .
Ayun kay Yamsuan, target ng kanyang panukala na makamit ang “greater efficiency and accountability” sa pangangasiwa ng mga kulungan at preso.
Sa ilalim ng HB 8672, ang lilikhaing Department of Correction and Jail Management ay siyang mamamalakad ng lahat ng bureau at opisina na nagpapatakbo ng penal at reformation programs para sa mga Persons Deprived of Liberty o PDLs.
Diin ng partylist solon na dating assistant secretary ng DILG, ang rightsizing sa burukrasya ay hindi lamang para tapyasan o i-abolish ang mga opisina bagkus ito’y upang i-restructure at paghusayin ang performance ng mga ito. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes