Pormal nang naisumite ng Department of Budget and Management ang P5.768 trillion 2024 National Expenditure Program sa House of Representatives.
Ang budget para sa susunod na taon ay 9.5% na mas mataas kumpara sa kasalukuyang 2023 General Appropriations Act.
Katumbas naman ito ng 21.7% ng Gross Domestic Product ng bansa.
37.9% ng budget ay inilaan sa social service sector na may P2.183 trillion na budget allocation.
Ang 10 pangunahing sektor naman na makakakuha ng mataas ng bahagi sa budget ay ang :
*Education (DepEd, SUCs, CHED, TESDA)
Php 924.7 Billion
*Public Works (DPWH)
Php 822.2 Billion
*Health (DOH, PhilHealth)
Php 306.1 Billion
*Interior and Local Government (DILG)
Php 259.5 Billion
*Defense (DND)
Php 232.2 Billion
*Transportation (DOTr)
Php 214.3 Billion
*Social Welfare (DSWD)
Php 209.9 Billion
*Agriculture (DA and attached corporations, DAR)
Php 181.4 Billion
*Judiciary
Php 57.8 Billion
*Labor and Employment (DOLE, DMW)
Php 40.5 Billion
Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, naka-angkla ang 2024 budget sa 2023-2028 Philippine Development Plan, Medium Term Fiscal Framework gayundin ang 8-point socio-economic agenda ng pamahalaan.
“..let me remind everyone that every peso of the Php 5.768 trillion FY 2024 national budget was optimized so we can remain on track with our Agenda for Prosperity. It is the Administration’s fervent hope that this budget will continue to lay the groundwork for future-proofing the economy and making the country’s growth inclusive and sustainable, not just for the Filipinos of today, but also for future generations.” ani Pangandaman.
Malaki naman ang pasasalamat ni Speaker Martin Romualdez sa maagang pagsusumite ng DBM sa NEP.
Dahil dito, mas maaga aniya nilang maaaral ang panukalang pambansang pondo at maisasalang sa deliberasyon.
“Maraming salamat po sa pagbibigay sa amin ng sapat na panahon para pag-aralan ang proposal ng Executive Department. Dahil sa maagang pagtanggap ng 2024 NEP, asahan ninyo na magiging mabilis din ang aksyon ng Kongreso para maipasa ang budget sa lalong madaling panahon.” saad ni Romualdez.
Pagtiyak pa nito na sisigurihin ng Kamara na lahat ng buwis na ibinayad ng mamamayan ay maibabalik sa kanila sa pamamagitan ng mga programa at proyekto ng gobyerno.
Magsisimula ang budget briefing sa pagharap ng DBCC sa August 10.
Target naman na mai-akyat sa plenaryo para pagdebatehan ang pondo sa September 18.
At inaasahan na mapagtibay sa 3rd at final reading bago ang unang break ng Kongreso bago mag-Oktubre. | ulat ni Kathleen Jean Forbes