Parañaque LGU, magsasagawa ng Jobseekers’ Forum, Mini Job Fair

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Parañaque, sa pangunguna ng Gender and Development Office ng isang Jobseekers’ Forum na susundan ng isang Mini Job Fair.

Gagawin ang nasabing aktibidad sa darating na Lunes, Agosto 14, sa Parañaque City Sports Complex mula 8:00 a.m. hanggang 4:00 p.m.

Layon ng nasabing Jobseekers’ Forum na ihanda ang mga jobseekers sa paghahanap ng trabaho.

Inaasahan na 29 na mga kumpanya ang lalahok sa nasabing job fair upang mag-alok ng trabaho.

Ang naturang programa ay bukas sa residente ng lungsod na 18 taong gulang pataas. 

Kinakailangan munang mag-fill up ng online form ang mga nagnanais na aplikante na lumahok sa job fair na makikita sa Facebook page ng PESO Parañaque.

https://forms.gle/ALtf2F53vzNWUmADA Nagpaalala rin ang Pamahalaang Lungsod na magdala ng maraming kopya ng resume, ballpen, face mask, at alcohol, at magsuot ng smart casual attire sa mismong araw ng job fair.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us