186 na munisipyo at siyudad ang nagdeklara ng suspensyon ng klase dahil sa malakas na ulan na dulot ng bagyong Goring.
Sa huling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang mga naturang lugar ay nasa Region 2, 3, 6, Calabarzon, Mimaropa, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Habang nagdeklara naman suspensyon sa trabaho sa 50 syudad at munisipyo sa Region 2, 6, Mimaropa at CAR.
Samantala, kasalukuyang hindi madaanan ang 31 daan at 18 tulay sa Region 2, 3, 6, Calabarzon, Mimaropa, at Cordillera Administrative Region (CAR).
76 na biyahe naman sa mga pantalan sa Region 2, 6, CALABARZON at MIMAROPA ang kanselado dahil sa sama ng panahon. | ulat ni Leo Sarne