Patay sa pananalasa ng bagyong Egay, umakyat sa 27

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat na sa 27 ang mga naiulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong Egay sa bansa.

Batay ito sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga.

Sa nasabing bilang, dalawa pa lamang ang kumpirmadong nasawi sa bagyo habang 25 ang isinasailalim pa sa berepikasyon ng mga awtoridad.

May 52 ang naiulat na nasaktan at 13 ang naiulat na nawawala.

Habang mahigit sa 765,000 pamilya o lagpas sa 2.8 milyong indibidwal ang naaapektuhan ng bagyo mula 4,646 barangay sa 13 rehiyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us