Paunang pagtatasa at inspeksyon ng MAFAR sa marin products buying station sa Tawi-Tawi, naging matagumpay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging matagumpay ang isinagawang paunang pagtatasa at inspeksiyon sa Marine Products buying station sa Sitangkai, Tawi-Tawi.

Ayon kay Camalia Minandang ng Lead Fisheries Inspection Unit, layunin ng nasabing inspeksiyon at paunang pagtatasa upang ma-renew ang certificate of Good Handling Practices (GHP) at Good Manufacturing Practices (GMP) ng mga buying stations.

Ang nasabing sertipikasyon ay nagpapatunay na dekalidad ang kanilang produkto. Dahil ito umano ay naayon sa pamantasang nasyonal at internasyonal.

Hinikayat ni Minandang ang iba pang Marine products buying stations, sa ibang parte ng lalawigan, na dumaan sa nasabing proseso upang lumawak ang kanilang oportunidad sa ganitong klase ng negosyo.| ulat ni Laila Sharee T. Nami| RP1 Tawi-Tawi

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us