PCG, bigo pa ring makita ang nawawalang apat na Coast Guard rescuer sa Cagayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hanggang kahapon, bigo pa rin ang Philippine Coast Guard (PCG) na makita ang apat na miyembro ng Coast Guard Rescue Team na missing sa Cagayan simula pa noong Hulyo 26.

Gayunman, umaasa pa rin ang PCG na buhay at ligtas ang apat at napadpad lang sa ibang lugar.

Pagtitiyak nito, hindi ititigil ng Coast Guard ang search and rescue operations hangga’t matagpuan ang hinahanap.

Katuwang na ang Coast Guard District Northeastern Luzon at iba’t ibang units ng Coast Guard stations, Philippine National Police (PNP), Philippine Army (PA), Office of Civil Defense (OCD) 2, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at maging ang US aircraft sa isinasagawang aerial at surface search and rescue operations sa karagatan.

Una nang natagpuan ang aluminum boat na ginamit ng apat na rescuers sa karagatang sakop ng Barangay Fuga, Aparri, Cagayan.

Bago nawala ang mga PCG personnel, tinangka nilang i-rescue ang mga tripulante at kapitan ng isang tugboat sa Cagayan River sa kasagsagan ng pananalasa ni bagyong Egay. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us