PCSO, magkakaloob ng tulong sa mga residente na naapektuhan ng bagyong Egay sa Camarines Norte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa mga komunidad na madalas makaranas ng kalamidad.

Kaugnay nito ay magkakaloob ang PCSO ng 2,000 family food packs para sa mga mahihirap na residente ng Camarines Norte na naapektuhan ng bagyong Egay.

Kabilang sa mga ipamamahagi ng PCSO ay mga de lata, noodles, kape, at iba pa.

Pinangunahan ni PCSO General Manager Mel Robles at ilang opisyal ng ahensya ang turnover ceremony sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City nitong Martes.

Nagpasalamat naman Camarines Norte LGU sa tulong na ibinigay ng PCSO.

Ayon kay Camarines Norte Governor Ricarte Padilla, kasama sa mga makatatanggap ng ayuda ang mga mangingisda sa mga baybaying dagat na nawalang ng hanap-buhay dahil sa bagyo. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us