Binigyang-diin ni Finance Secretary Benjamin Diokno na mahalaga ang “good revenue performance” sa pagkamit ng layunin ng administrasyong Marcos.
Ito ang mensahe ni Diokno sa ika-119th anibersaryo ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Inilahad ng kalihim na alinsunod sa Medium-Term Fiscal Framework, tatlo ang target ng Pangulo na makamit bago matapos ang kanyang termino, ito ay ang Reduce Debt-to-GDP Ratio to 51%; ibaba ang deficit-to-GDP ng 3%, at gawing single digits ang poverty incidence sa bansa.
Base sa tala ng Bureau of Treasury, mas mataas ng ₱132.6-billion ang revenue collection ng BIR sa unang anim na buwan ng 2023 kumpara sa parehas na mga buwan noong 2022.
Giit ng kalihim, nakadepende ang economic aspiration ng bansa sa performance ng BIR kaya aniya, malaki ang responsibilidad at prebilehiyo ng mga kawani ng ahensya.
Pagtitiyak ni Diokno, naninindigan ang Department of Finance para sa mas resilient, modern, at digitally-powered BIR. | ulat ni Melany Valdoz Reyes