Tinalakay ng Pilipinas at Brunei Darussalam ang iba’t ibang larangan ng mutual interest sa isinagawang Philippines-Brunei Darussalam 3rd Joint Commission for Bilateral Cooperation.
Sa naging pagpupulong ng dalawang bansa, tinalakay ang maraming paksa mula sa political-security aT economic cooperation, pagpapabuti ng people-to-people relations na sumasaklaw sa kultura, edukasyon, paggawa, at marami pang iba.
Ipinahayag ng Pilipinas na ang aktibong pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga sektor ng depensa ng dalawang bansa ay isang patunay ng matatag na relasyon ng dalawang bansa.
Inaasahan ng Pilipinas at Brunei na lalakas ang defense cooperation sa mga darating na buwan sa pamamagitan ng Joint Defense Working Committee na ipapatawag ng Pilipinas.
Bukod sa bilateral cooperation agenda, tinalakay rin ng dalawang bansa ang mga usapin hinggil sa regional at global interests.
Nangako rin ang dalawang bansa na magsasagawa ng mga aktibidad sa paggunita sa 40 taon ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Brunei sa taong 2024. | ulat ni Gab Villegas