PH Red Cross, umapela sa publiko na maging responsable sa pagtawag sa kanilang 143 hotling

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Philippine Red Cross sa publiko na maging responsable sa paggamit ng kanilang hotline 143 at huwag itong gamitin para sa prank call.

Ito’y ayon kay PRC Chairman at dating Sen. Richard Gordon ay kasunod ng mga natatanggap nilang ulat hinggil sa mga emergency call na hindi nakapapasok sa sistema dahil may ilang inaabuso ang paggamit ng hotline.

Batay sa datos ng PRC nitong Agosto 14 ay aabot agad sa 1,822 tawag o katumbas ng 78 porsyento ang tinatawag na drop call o ibinababa agad ang tawag habang nasa 521 o 22 porsyento naman ang tinatawag na client engagement.

Mula naman sa 521 na makabuluhang client engagement, sinabi ng PRC na nasa 405 tawag o 78 percent dito ang prank calls, nasa 73 tawag o 14 porsyento ang para sa blood request habang 42 tawag o 8 porsyento ang para sa network related calls.

Giit pa ng PRC, dahil sa tumataas na bilang ng mga aksidente sa kalsada gayundin ang emergency, mahalagang mabilis na matawagan ang PRC hotline 143 upang agad makatugon sa pangangailangan ng publiko. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us