Lumahok ang Philippine Army sa inisyal na Planning Conference para sa susunod na Philippine-US Balikatan Joint military exercise sa 2024.
Ang inisyal na pagpupulong ay isinagawa sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Education, Training and Doctrine Command, sa Camp Aguinaldo, Quezon City kahapon.
Ang PH-US Balikatan Exercise sa pagitan ng AFP at Indo-Pacific Command ng US military ay taunang aktibidad na layong palakasin ang kakayahan at interoperability ng dalawang pwersa sa tradisyunal at non-traditional na operasyon.
Matatandaang isinagawa ang noong Abril ang Balikatan 38 – 2023 Joint RP-US military exercise na pinakamalaking pagsasanay sa kasaysayan ng dalawang bansa.
Ang huling ehersisyo ay nilahukan ng 12,000 sundalong Amerikano, 5,000 tauhan ng AFP, at mahigit 100 miyembro ng Australian Defense Force, kasama ang “observers” mula sa 11 bansa. | ulat ni Leo Sarne
📷: Office of the Army Chief Public Affairs